Saturday, March 11, 2023

PROLOGO

Kay sarap balikan nang nakaraan kung saan ang isip natin ay malaya at payapa tulad ng isang ibon sa himpapawid, uhaw man sa kanlungan ngunit patuloy pa rin sa paglalakbay. Tulad ng dalawang taong nag iibigan hindi alintana ang anuman hadlang upang makamtan lamang ang kaligayahan inaasam. 
Taong 2015 nang magkakilala sina Nicholas at Barbara sa Paaralang Sekundarya ng Lungsod ng Lipa. Nang masilayan ng dalagita si Nicholas na sa mga panahon na iyon at nasa ika-apat baitang sa Sekundarya ay agad siyang nahumaling sa angkin nitong kakisigan. Matangkad, moreno ang kutis ng balat, bilugan ang kumikinang na mga mata na natatakluban ng malalantik na pilik. Tila ang bumagal ang pag ikot ng mundo ni Barbara at noon pa man ay hinahanap hanap na niya ito sa pagpasok sa paaralan. Nasa ika-walong baitang noon si Barbara, bagamat parehas sila ng oras ng pasok ay magkaiba naman sila ng building na pinamamalagian. Nang sa tingin nga niya ay tinamaan na siya sa lalaking pumukaw ng kanyang atensyon ay agad niya niyaya ang kaibigan si Joaqin upang hanapin sa kabilang building ang lalaking nagpatibok nang kanyang puso sa unang pagkakataon. Magandang si Barbara hindi magpapahuli sa ibang kababaihan, may masasabi rin naman ito. Matangkad, maputi at singkit ang mga mata, itim na itim at mahaba ang buhok. Mayroon man manliligaw ngunit ito ay hindi man lamang binigyang-pansin ni Barbara dahil iisa lamang ang nais niya, ang lalaking araw-araw ay dinadalaw siya sa kanyang pagkakahimbing na kahit pangalan nito ay hindi man lamang niya naitanong. Ilang araw pa ang lumipas at nagdaan isang friend request ang natanggap ni Barbara at laking gulat niya ng makita ang litrato ng lalaking hinahangaan. Nicholas Adam Maralit. Naglulundag na may kasabay na palahaw ang pinakawalan ni Barbara na siya naman kinagulat ng kanyang ina. Makalipas ang ilang linggo ay nagkausap sila ni Nicholas, inihahatid siya nito sa pag-uwe. Higit niya nakilala ang binata at kahit sa maikling panahon ay nakita niya ang personalidad nito. Tuluyan na nga nahulog ang loob ni Barbara at hindi nag atubili kahit pa hindi niya alam ang gagawin basta naramdaman na lamang niya ng saya sa puso tuwing makasama niya ang binata. 
Maraming problema ang pinagdaanan ng magkasintahan kahit mga mura pa ang isipan ay hindi sila nagpatinag at higit na mas pinilit ang isa't isa sa kabila ng walang humpay na hindi pagkakaunawaan. Sa paglipas ng panahon ay higit na mas tumatag ang pagsasama ni Barbara at Nicholas, pareho sila nagpatuloy sa pag-aaral, sabay na nangarap, magkasalo sa pait at tamis ng problema. Pitong taon na ang lumipas at nagdaan kay bilis ng bawat araw na lumipas hindi na mabilang pa kung ilang beses na lamang magkita sa loob ng isang buwan. Kay bilis magbago nang lahat, wala pala ako sa loob ng pitong taon. Hindi na pala ako.

PAGSUSURI SA "WALANG SUGAT" NI SEVERINO REYES

I . Pamagat ng Akda : “Walang Sugat" ni Severino Reyes May-Akda : Ang akdang “Walang Sugat" nilikha ni Severino Reyes kilala bila...